LUBHANG masama sa kalikasan at kalusugan ng tao ang pagsusunog ng basura kaya naman muling nagpaalala ang Angono Public Information office ang ipinatutupad na batas alinsunod sa Republic Act 9003 o ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Layunin nito na mapangalagaan ang kalikasan kaya naman ipinatutupad din sa bayang ito ang Municipal Ordinance Enacting the Comprehensive Ecological Solid waste Management System.
Maaring mapatawan ng parusa ang sino mang lumabag sa ordinansa. Pagmumultahin ng halagang P500 at maaari ring makulong hanggang 15 araw ang sino mang mapatunayang lumabag dito.
Ipapataw naman sa ikalawang paglabag ang multang P1,000 o 30 araw na pagkakakulong at sa ikatlong paglabag ay pagmumultahin naman ng halagang P2,500 o 60 araw na pagkakabilanggo.
Maaari itong magbago depende sa desisyon ng hukuman.
Isang namumuno naman ang maparurusahan kung sakaling isang establisimyento,negosyo, institusyon, korporasyon ang lalabag sa batas.