“Pagtulong sa mga komunidad at tamang impormasyon ay kailangan upang karahasan at armadong rebolusyon ay mapigilan.”
Ito ang naging pokus ng Community Mobilization Project at Orientation on Executive Order 70 naisinagawa ng Civil-Military Operations (CMO) Office ng AETDC katuwang ang PNP Lipa sa Brgy. San Francisco, Lipa City, Batangas nito lamang Abril 13, 2023.
Nais nang programang ito na makapagbigay impormasyon sa mga barangay at komunidad hinggil sa mensahe ng Whole-of-Nation Approach para matugunan ang matagal nang insurgency problem ng bansa.
Kabilang din sa naging diskusyon ang batayan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), mga clusters nito, Barangay Development Program at maging mga programa nang Philippine Air Force na sumusuporta sa mga ito.
Nagkaroon din ng Feeding Program para sa mga residente
Inaasahan ang patuloy na pagtutulungan ng CMO, AETDC at PNP Lipa para maisagawa ang programa sa iba pang barangay sa naturang lungsod.