Limampung (50) livestock farmers sa CALABARZON ang sumailalim sa pagsasanay tungkol sa paggawa ng pakain at tamang pagpapastol ng alagang hayop sa pangunguna ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Agricultural Programs Coordinating Office- Batangas sa Lipa City, Batangas noong 26-27 Oktubre 2022.
Layon ng aktibidad na pataasin ang kaalaman ng mga livestock farmers sa forage at pasture management na kailangan sa kanilang paghahayupan upang mapataas ang kanilang produksyon at kita.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang forage at pasture production, recommended forage grasses, pagproseso ng silage at Urea Molasses Mineral Block (UMMB) kung saan nagkaroon din ng aktwal na paggawa ang mga kalahok.
Binigyang diin ni Unified National Artificial Insemination Program coordinator, Fidel Libao na mahalaga ang integrasyon ng ganitong pagsasanay sa mga livestock farmers upang matiyak na maging sustenable ang kanilang produksyon.