
INILABAS ng Davao Regional Trial Court ang Warrant of Arrest laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na si Pastor Apollo Quiboloy nitong Miyerkules.
Ito ang kinumpirma ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality chairman Senator Risa Hontiveros kahapon.
Pinapaparesto rin sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.
Nakasaad sa warrant ang mga alegasyon ng pang-aabuso sa sekswal at pang-aabuso sa bata sa ilalim ng Section 5 (b) at Section 10 (a) ng Republic Act 7610 o ang Anti-Child Abuse Law.
Naaresto si Cresente Canada ng National Bureau of Investigation habang sina Paulene Canada at Sylvia Cemañes ay isinuko ang kanilang sarili sa NBI nitong Miyerkules ng hapon.
Nagpiyansa ng tig-P80,000 ang tatlo sa kanilang kaso.
Si Jackielyn Roy at Ingrid Canada ay nananatiling malaya.
Noong nakaraang buwan, naglabas din ng warrant of arrest ang Senado laban kay Quiboloy dahil sa hindi pagsipot sa imbestigasyon dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao.
Top of Form