MAHIGPIT na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biyahe ng mga sasakyang pandagat at sitwasyon ng mga pasahero sa pantalan, lalo na ngayong Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Simula ika-25 ng Oktubre 2023, naka-heightened alert status ang PCG para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng publiko ngayong eleksyon hanggang sa paparating na Undas 2023.
Puspusan ang pag-iinspeksyon ng Coast Guard K9 team sa mga bagahe at kargamento, habang 24/7 naman ang pagbabantay ng mga naka-deploy na Coast Guard Special Operations unit upang mapanatili ang kaayusan sa pantalan at iba pang kritikal na lugar ngayong eleksyon.