People’s Village Housing Project sa Iloilo , malapit ng magamit bago matapos ang taong 2022
Ni Chris Lucas

MATATAPOS na ngayong taong 2022 ang pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na itinatayo ng National Housing Authority o NHA sa Dumangas, Iloilo .
Ang bawat housing unit ay may sukat na 28 square meters, may kusina, banyo, kwarto at living room.
Ayon kay NHA General Manager Joben Tai, na huwag nang mag-alala ang mga naghihintay sa pabahay ng gobyerno dahil tinitiyak ng kanyang panunuan na bago matapos ang taon na ito ay makakalipat na sila .
Dagdag pa niya , isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon ay matapos at maipamahagi na mga housing units sa ilalim ng Yolanda Housing Program sa mga kwalilikadong benepisyaryo bago matapos ang taong kasalukuyan.
Makikinabang ang nasa 2,455 na pamilya na matinding hinagupit ng bagyong ito noong taong 2013.
Matatandaan na nitong October 14 ay nagtungo sa Iloilo si Tai upang personal na inspeksyunin ang konstruksyon ng nasabing housing project.
Binisita rin niya ang Uswag Residential Complex sa Barangay San Isidro Jaro, Iloilo na residential complex na resettlement project para sa mga Informal Settler Families o ISF na naapektuhan ng mga proyektong pang-imprastukra ng pamahalaan.
Magugunita na target ng administrasyong Marcos Junior ang 6 million housing units sa loob ng anim na taon.