
HINDI pa aprubado ng Malacañang ang nakabinbing pagtaas ng limang porsyento premium rate para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) .
Snabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nito sa isang panayam bago umalis patungong Australia nitong Miyerkules, na patuloy pa nilang iniimbestigahan ang mungkahi, na dapat may karagdagang benepisyo para sa lahat ng mga miyembro ng PhilHealth na kaakibat ng pagtaas ng presyo.
“It’s under review. What we are trying to determine is that if we are going to increase the contribution from four percent to five percent, anong bawi? It’s really a cause-benefit analysis,” sabi ni Pangulong Marcos.
Gayunpaman, kinilala ng punong ehekutibo na pinalawak ng estado na insurer ang kanilang mga benepisyo sa mga nagdaang taon.
Kabilang dito ang pagtaas ng suporta sa dialysis sa tatlong beses isang linggo para sa mga outpatients, na katumbas ng buong linggong saklaw.
Binanggit din niya na pinalawak din ng PhilHealth ang kanilang saklaw para sa “Case Z conditions” tulad ng kanser.
“PhilHealth has been expanding its services and trying to reach more people, trying to engage more people,” Marcos said.
“So, kung may benepisyo naman, if we can justify the increase then we’ll do it but if not, we won’t. Ganoon lang kasimple ‘yun. It’s just a very straight forward cause-benefit analysis.”
Ang Republic Act No. 1123 o Universal Healthcare Act ay nagtatakda ng pagtaas ng rate ng kontribusyon ng PhilHealth ng 0.5% taun-taon simula noong 2021 at patuloy hanggang marating nito ang 5% mula 2024 hanggang 2025.
Naantala ni Pangulong Marcos ang pagtaas ng income ceiling at rate ng premium para sa 2023.