NASAGIP ang isang Philippine hawk eagle o Brahminy kite hawk ng Highway Patrol Group Calabarzon sa San Pedro City , Laguna .
Agad na ipinag-utos ni Regiona Chief ng Highway Patrol Unit 4A PCol Rommel Estolano, na iturn -over ang nailigtas na Philippine Hawk Eagle o mas kilalang Dapay kay Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ng Department of Environment and Natural Resources 4A sa Brgy. Mayapa. Calamba City, Laguna .
Ayon kay Estoloano nagsasagawa ang mobile team ng anti-carnapping operation sa lugar nang matagpuan ang nasabing “ Dapay” bandang alas 10 ng umaga noong Marso 2, 2024.
Nang makita ng team ang sugatang hayop ay kaagad itong hinuli at isinuko sa DENR Regional Office para sa paggamot at rehabilitasyon.
Patunay ito ng RHPU4A sa pagsuporta sa wildlife law , ilegal na kalakalan at hindi magandang pagtrato sa mga hayop.
Sianbi ni Estolano na ang kahanga-hangang tagumpay ng RHPU4A ay bunga ng pinaigting na mga operasyon laban sa carnapping ng Highway Patrol Group at hindi nagbabagong suporta sa pagprotekta sa isang nawawalang-endangered species sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Alan Nazarro, sa agresibo at marangal na operasyon sa pagsasakatuparan ng batas hindi lamang laban sa carnapping, highway robbery, at iba pang uri ng kriminalidad sa kalsada kundi pati na rin sa pagprotekta sa kapaligiran at sa kayamanang biodiversity ng bansa.