SINIMULAN ng PSA IV-A ang pagsasagawa ng PhilSys Information Awareness Campaign para sa mga kliyente ng CRS Outlet sa Lipa City, Batangas.
Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga flyers o babasahin na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa PhilSys katulad ng PhilSys Check, PhilSys Step 2 Registration, at PhilSys Step 3 Registration.
Ito ay parte ng istratehiya ng naturang ahensya upang mapagtibay ang kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan patungkol sa Philippine Identification System o PhilSys.
Layunin ng nasabing kampanya na maiparating sa mga mamamayan ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagpaparehistro sa PhilSys, pag-deliver ng PhilID at ePhilID, pati na rin ang paraan upang ma-check ang awtentisidad ng PhilID at ePhilID.
Maraming mga kliyente ang natuwa sa pagsasagawa ng nasabing kampanya.
Nawa ay patuloy pang dumami ang sumusuporta sa proyektong ito upang makamit ang layunin na mairehistro ang lahat ng mga mamamayan sa rehiyon.

