NABABAHALA ang grupong watchdog na BAN Toxics sa hindi makatarungang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto ng balat na naglalaman ng mercury sa mga online market platforms.
Ang mga produktong pamapaganda ng balat tulad ng C Collagen Plus Vit E Day & Night Cream, Erna Whitening Cream, Jiaoli Miraculous Cream, S’zitang 10 Days Eliminating Freckle Day & Night Set, Goree Beauty Cream with Lycopene SPF 30 Avocado & Aloevera, Goree Day & Night Whitening Cream Oil Free, Goree 24k Gold Beauty Cream, at 88 Total White Underarm Cream ay ipinagbabawal na sa Pilipinas.
Binantayan ng grupo ang higit sa 1,000 nagtitinda ng mga ipinagbabawal na produkto ng pampaputi ng balat dahil sa nakasasamang toxic na mercury sa mga online na shopping site tulad ng Lazada at Shopee pati na rin sa Facebook Marketplace.
“We are dismayed that such beauty products still proliferate in the online shopping platforms despite the existing regulations on mercury-added cosmetics,” sabi ni Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.
Ang mercury, ay isang uti ng metal, na labis na mapanganib sa kalusugan. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pinsalang nagdudulot sa bato ay ang pangunahing masamang epekto ng pagkalantad sa hindi organikong mercury. Maaari ring magdulot ang mercury ng mga rashes sa balat, pagbabago sa kulay ng balat at pamamaga, at pagbawas sa resistensya ng balat laban sa mga impeksyon ng bacteria at fungi.
“We urge the Department of Trade and Industry to call the attention of online shopping platforms Lazada and Shopee including Facebook Marketplace to immediately remove the sellers of prohibited mercury-added skin lightening products to protect the consumers from health damaging exposure,” dagdag pa niya.
Kaya naman inirerekomenda sa publiko na huwag bumili ng mga ipinagbabawal na beauty products. Palaging suriin kung may FDA approval ang mga produkto.