Sto.Tomas, Batangas – KAMAKAILAN lang ay nagsagawa ng isang Dinner for a Cause ang Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas na pangunahing prayoridad ay ang pagbibigay serbisyo sa pangkalusugan , pagtaguyod sa may mga kapansanan at malalang sakit .
Pinangunahan ni City Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan ang programa kung saan dinaluhan ng higit isang daan at limapung (150) mamumuhunan sa loob at labas ng lungsod ng Sto. Tomas, Batangas.
Nanguna sa programa ang PESO kasama ang CSWD-PDAO, BPLO at CTO kung saan nakalikom ng P600,00.00 pesos mula sa mga nabentang 401 tickets.
Sa mensahe ng alkalde sinabi niya na sila ay magiging transparent sa kanilang nalikom na pondo, kaya noong Marso 27, 2023 kasabay ng pagdiriwang ng Women’s month isinagawa ang ‘Ceremonial Turn-over’ sa mga benepisyaryo ng Dinner for a Cause program.
Ang walongpung (80) benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-7,500 na halaga ng essentials kagaya ng gatas, diapers, pagkain at bigas maging ang mga nangangailangan ng wheelchair.
Nagpaabot naman muli ng kanyang taos pusong pasasalamat si Mayor Marasigan sa lahat ng sumuporta sa naging matagumpay na layuning makatulong sa mga Tomasinong nangangailangan ng espesyal na pagkalinga at serbisyo.
Ito rin ng kaniyang kauna-unahang pagdiwang ng kanyang kaarawan bilang lingkod bayan ng Sto. Tomas noong nakaraang buwan.
Ang mga benespisyaryo ng programa ay ang mga may malalang sakit gaya ng celebral palsy. Ang turn over ay ginanap pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony na dinaluhan ng lahat na mga empleyado sa pangunguna ni City Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, mga myembro ng Sangguniang Panglunsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga Tomasinong kababaihan na nagbigay kamalayan sa tulong na kanilang maaaring maiambag sa kanilang lungsod sa pangunguna ni Gng. Elizabeth Marasigan bilang presidente .