Mananatiling si Pryde Teves ang Gobernador ng Negros Oriental habang wala pang ruling ang Korte Suprema hinggil sa Temporary Retraining Order o TRO na kanyang inihain laban sa pagsasawalang-bisa sa kanyang proclamation bilang Gobernador.
Matatandaan na nitong nakaraang eleksyon ay may isang kandidatong ginamit ang pangalang Ruel Degamo na kalaunan ay ideneklarang nuissance candidate at ang lahat ng kanyang boto ay idinagdag sa boto ni naman ni Roel Degamo.
Dahil dito ay ideneklara ng Comelec en banc na walang bisa ang pagkapanalo at deklerasyon ni Teves.
Sa pakikipagpulong ni Teves sa Department of Interior and Local Government, lumalabas na walang utos o order natatanghap ang ahensya upang paalisin sa pwesto si Teves.
Bukas, Ocotber 11 ay nakatakdang maglabas ang Kataas-taasang Hukuman ng desisyon hinggil sa kaso. Ayon kay Teves, handa siyang sundin ang utos ng korte ito man ay pabor o hindi sa kanya.
Nakiusap din sya sa kabilang partido na hintayin muna ang desisyon ng korte.
Samantala ay patuloy pa rin ginagampanan ni Teves kanyang mga tungkulin bilang Gobernador.