Photo from BFAR
NANANATILING positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide sa ilang lugar na nasa coastal waters ng bansa .
Ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) pinaaalalahanan ang publiko na maging maingat sa pagkain ng lamang-dagat.
Ang mga lugar na nasa coastal waters ng Aklan, Bohol, Capiz, Iloilo sa Visayas at Zamboanga del Sur sa Mindanao ay kabilang sa apektado ng red tide
Sa inilabas na Shellfish bulletin No.21 nitong Biyernes, pinag-iingat ang pagkain ng mga lamang-dagat din sa bahagi ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan); maga coastal waters sa Panay; Pilar; President Roxas; at Roxas City sa Capiz.
Nakataas rin ang red tide warning sa coastal waters sa Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; coastal waters ng Dauis and Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from (these areas) are not safe for human consumption,” nakasaad pa sa bulletin.
Safe naman kainin ng tao ang isda, pusit at alimasag ayon sa BFAR basta ito ay sariwa , hinugasang maigi at inalisan ng hasang at bituka bago iluto.