
TINIYAK ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng pagkain sa holiday season.
Ayon kay DA Assistant Secretry Arnel de Mesa stable ang produksyon ng karne ,manok, bigas at gulay sa paparating na holiday.
Bukod aniya sa local na produksyon ng bansa ay may parating din ang mga imports sa huling quarter ng taon upang matugunan ang mataas na demand sa pagkain sa holiday season.
Samantala ,sa presyo ng gulay sa Divisoria ngayong araw, tumaas ang ilang paninda samantalang ang iba naman ay bumaba . Sa presyo ng gulay ay ang mga sumusunod:
P100 piso ang kada kilo ng Talong
P25-30 kada kilo ng Pechay
P100 ang kada Sibuyas na pula
P80 sa Sibuyas na puti
P75 ang Kamatis
P18 ang Sayote
P130 Patatas
P25-30 Repolyo
P70 Carrots