INUGA ng lindol na may lakas na 7.1 ang yumanig sa baybayin ng isla ng Sarangani sa Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang tectonic na lindol ay may lalim na 76 kilometro, ay naganap ng 4:48 ng umaga noong Martes.
Wala namang iniulat na pinsala.
Naramdaman ang Intensity IV sa Malungon, Alabel, at Kiamba, Sarangani.
Sinabi ng Phivolcs na walang banta ng tsunami matapos ang malakas na lindol.
Ang lindol sa Sarangani ay nangyari higit isang buwan matapos ang isang lindol na may lakas na 7.4 sa baybayin ng Surigao del Sur.