NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Office for Transport Security o OTS kaugnay ng umano’y pannanakaw ng pera ng Security Screening Officer (SSO) sa isang dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ayon kay OTS Administrator Undersecretary Ma O Plasca, natukoy na kung sino ang tauhang babae na nakuhaan ng CCTV footage.
Ninakaw umano nito ang 300 dollars sa wallet sa isang dayuhang pasahero at saka nilunok umano nito ang perang dolyar sa departure checkpoint ng NAIA .
Makikita rin sa cctv na inabutan pa ng tubig ng kanyang supervisor upang hind ito mabulunan .
“Noong ma-report yung unang insidente ng nakawan sa security screening checkpoint, hindi tayo nagdalawang isip tanggalin sa ating hanay, at sampahan ng kaso yung mga anay na sumisira sa imahe ng gobyerno. Tayo mismo, ipinakulong natin ‘yung sarili nating tao. We even reported them to the public para huwag pamarisan ng iba. Iniutos rin natin yung removal ng jackets at ng bulsa ng kanilang uniform, as a preventive measure para maiwasan yung nakawan, pero it seems na mayroon pang iilan na natitirang hindi gumagawa ng maganda.”ayon pa kay Plasca.
Sa ngayon ay inihahanda na ang iba pang ebidensiyang magdidiin sa empleyado.