Isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang paggawad ng seed storage facility, plant nursery, greenhouse, at solar pump sa apat na grupo ng magsasaka mula sa Candelaria, Quezon noong ika-3 ng Pebrero.
Tinatayang nasa P2,300,000 halaga ng mga nabanggit na proyekto ang tinanggap ng Adarna Agriculture Cooperative, Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan-Candelaria, Bukal Sur Farmers Association, at Candelaria Organic Farmers Association.
“Sa tulong ng seed storage amin pong mas masisigurado at mapapangalagaan ang kalidad ng aming produktong kape,” Ani G. Vinencio A Donadio, Adarna Agriculture Cooperative Chairman.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Regional Agricultural Engineering Division Standards, Regulations, and Enforcement Section Chief. Engr. Triniza S. Jardin-Millare, Candelaria Municipal Agriculturist Office High Value Crops Focal Person G. Antonio A. Abanador, at iba pang kawani ng DA-4A.