KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw ng Lunes ang sadyang pagwasak sa marine environment at coral reef sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Namataan ng PCG sa lugar na ito ang nasa na mga nagkukumpulang Chinese maritime militia (CMM) vessels sa Rozul Reef at Escoda Shoal, mula August 9 hanggang September 11 ayon sa tagapagsalita ng PCG na si WPS Commodore Jay Tarriela.
Dagdag pa ni Tarriela, “The surveys conducted in Escoda Shoal revealed visible discoloration of its seabed, strongly indicating that deliberate activities may have been undertaken to modify the natural topography of its underwater terrain,”.
Iniwang sira-sira at kinalbo ang mga coral reefs maging ang ecosystem din sa Rozul reef at Escoda Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.