![phivolcs](https://www.theinsidernews.info/wp-content/uploads/2023/09/phivolcs.jpg)
POSIBLENG maranasan pa rin ang pagkaulit ng volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal kahit wala ng naitalang pagbuga ngayong araw ng Sabado , ayon sa Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs).
Ayon pa sa Phivolcs ay maaaring maulit pa ang makapal na usok na bumabalot maraming lugar sa Cavite at Batangas dahil sa patuloy na pagbubuga ng bulkang Taal ng sulfur dioxide.
Umabot sa 2,730 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan mula 5:00 a.m. nitong Biyernes hanggang 5:00 a.m. nitong Sabado.
Nilinaw naman ng Phivolcs na hindi ito nangangahulugan na magkakaroon agad ng pagsabog ang bulkan.
Nakatulong rin ng malaki ang ulan sa pag-flush out ng vog na madaling ma-dissolve ang sulfur dioxide .