ISINAGAWA ng Social Security System o SSS ang kanilang kauna-unahang RACE campaign program ngayon 2023 sa San Pascual, Batangas, kung saan pitong business establishment ang kanilang binisita upang bigyan ng notice of payment .
Ayon kay Joseph Pedley Britanico, Acting Head ng South Luzon 2 Division ang programa ay itinalaga ng SSS para ipaabot sa mga employers na “they really meant business” dahil karamihan umano ay hindi nakakasunod sa SSS. “Eto ang pagkakataon upang ipaabot at ipaalam sa kanila kung ano ba talaga ang tamang pagsunod sa SSS at mga kaakibat na responsibilidad nito”aniya.
Kawalan ng panahon o kaalaman sa proseso naman ang nakikita nilang dahilan, kung bakit may delinquent employers.
Paalala naman ni Atty. Marc Villanueva Legal Councel ng SSS South Luzon 2 Division may kaparusahan o criminal liability ang mga employers na hindi nagreremit , hindi nagparehistro ng kanilang business at hindi pagreport ng kanilang mga empleyado. Maaaring makulong ang responsibleng personnel o may-ari nito, “pag may business may obligasyon tayo”dagdag pa niya.
Ang SSS RACE campaign program ay isinagawa upang ipaalam sa mga employer ang kanilang legal obligations, ngayon 2023 upang matulungan ang mga eto ang SSS ay nagkaroon ng condonation program.
Ang programa ay makakatulong upang ang mga may ari ng kompanya o maliliit na negosyo ay makabayad ng paunti-unti at hindi masyadong mahirapan.
“Malaki ang responsibilidad ng mga employer kung kaya eto ay marapat na ipaalam sa kanila. Aside sa usual orientation ng mga council officer ay may mga programa na ipinaabot sa kanila para matugunan ang kakulangan sa ipormasyon” dagdag pa ni Britanico.
Pinaaalahanan din ng SSS ang mga empleyado na kung maari sila ay mag check paminsan-minsan para masiguro kung hinuhulungan nga ba ng kanilang kompanya ang kanilang SSS contribution.
“Huwag silang mahiya o matatakot sa SSS kung mayroong concern tungkol sa kanilang employer otherwise sila ang maapektuhan hindi nila maeenjoy ang lahat na benepisyo na binibigay ng Social Security System”- Ani Atty.Villanueva
Pinasalamatan naman ni San Pascual Mayor Antonio Dimayuga ang SSS sa pagpili ng kanyang bayan sa kanilang RACE campaign program.
Ang Relief to Accorded Challenged Employers o Run After Contribution Evaders (RACE) ay isang programa ng Social Security System o SSS para sa mga delinguent employer o mga may ari ng kumpanyang o business establishment na hindi nagbabayad ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado.