November 29, 2023

SSS RACE Operation muling umarangkada sa Tanauan City

Ni Maroe T. Genosa

SA patuloy na kampanya ng Social Security System (SSS) sa mga non-compliant employers, siyam na establisimyento ang binisita ng mga kawani ng SSS Lipa at Tanauan branch sa pangunguna nina  Atty. Alejandre T. Diaz Acting Head, Luzon South 2 Division  at Lipa Branch Head Mr. Joseph Pedley V. Britanico.

Unang tinungo ng grupo ang opisina ni Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes para magcourtesy call. Sa pagharap kay Mayor Collantes bukod sa paghingi ng permiso para kanilang paglilibot sa mga non-compliant employers sa Tanauan, pinaliwanag din nina Atty Diaz at Britanico ang “Kasangga Collect Program” ng SSS para sa mga Job Order o JO employee ng nasabing Lungsod. Kasama din dito ang mga Barangay Health Worker.

Ayon kay  Collantes maganda ang programa “but it is nice if we could convince them” aniya.

Matapos ang courtesy call tinungo na ng grupo ang siyam na establisimyento kabilang dito ang private schools, funeral homes, printing establishments, bakeshop, appliances store at Feeds Supplier.

Ang mga nasabing establisimyento ay binigyan ng notice bilang paalala ng kanilang delinquent SSS contribution para sa kanilang mga empleyado at eto ay kailangan nilang maayos sa loob ng labing limang araw.

Pinaaalahanan din ni Atty. Diaz ang mga tumanggap ng notice na kung sakaling hindi nila eto mabigyan ng kaukulang pansin sa itinakdang araw  eto  ay subject to referral agad sa kanilang SSS Legal department .

Ayon naman kay Britanico ang kanilang  Race  Against Contribution Envaders Program  ay malaki ang naitulong  sa programa ng SSS para sa mga empleyado, aniya “lahat naman na binigyan naming ng demand letter at nagcocomply naman”.

Eto naman ay  for the benefit of their employees kasi sila ang apektado , hindi nila maeenjoy ang kanilang benepisyo “. 

Dagdag pa niya  under SSS Law walang makakapingil sa mga  empleyado na maenjoy ang corresponding benefits na dapat sa kanila. Kasi eto ay sisingilin ng SSS sa mga employer kahit eto ay matagal na.

Para sa mga magbabayad ang SSS ay nagooffer ng condonation program para mabawasan ang kanilang mga bayarin at mayroon ding  installment plan offer.