KINASTIGO ng isang lider ng kamara kaugnay ng planong pag-aangkat ng asukal.
Sa sinabing pagdinig ng House committee on agriculture and food, ang makikinabang lamang ay ang mga pribadong kumpanya ng softdrinks.
Ayon kay Deputy Speaker Arnulfo Teves Jr. na walang pakinabang sa hanay ng mga sakadang magbubukid sa mga taniman ng tubo ang ipinagpipilitang sugar importation ng Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Administration (SRA).
“Hindi ko nakikita ang malasakit ng SRA sa planters natin at sa taong bayan,” paninita ng kongresista kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica na nagsabing nagsagawa muna sila ng konsultasyon sa hanay ng mga apektadong sektor bago pa man inaprubahan ang sugar importation.
Gayunpaman, lumalabas sa pag-amin ni Africa na tanging ang mga kumpanya ng Nestle Philippines, Pepsi Cola Products Philippines Inc. (PCPPI), Coca Cola Philippines ang kinonsulta ng nasabing tanggapan. Bunsod ng naturang pag-amin, kinastigo ni Teves ang SRA na aniya’y nakatuon lamang sap ag-angkat habang binabalewala naman ang patuloy na pagtaas ng presyo ng abono sa mga taniman ng tubong ginagawang asukal.
Wala rin aniyang nakikitang konsiderasyon ang SRA sa malaking gastusin sa transportasyon mga mga proddukltong agrikultura bunsod na rin ng lingguhang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa merkado. “Of course, Pepsi, Nestle and Coke will be okay with importation because they are net buyers. They are not producers. They are not affected.
They are even beneficiaries of low sugar prices, but actually it’s killing the poor people of Negros and other sugar-producing areas,” hirit pa ni Teves. Gayunpaman, hindi maisakatuparan ng mga nasabing ahensya ang sugar importation makaraang maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Negros Occidental Regional Trial Court laban sa naturang plano.