NATAGPUAN ang isang Sports utility vehicle (SUV) na posibleng konektado sa pagkawala ng Miss Grand Philippines finalist 2023 na si Catherine Camilon .
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A director Col. Jacinto “Jac” Malinao Jr., sinabi na ng mga testigo na nakita na nila ang sasakyang ito na siyang inabandona noong Huwebes sa isang subdibisyon.
Narekober ng Batangas police ang pulang Honda CRV sa bakanteng lote sa kanto ng Dumuclay Road at Star Tollway ng Bagy.Pallocan East, Batangas City.
Agad ding dinala ang SUV sa Batangas Provincial Police Office upang sumailalim sa forensic tests.
Kamakailan ay matatandaan sinabi na ng dalawang testigo sa salaysay nila sa CIDG 4-A na nakita nila ang babaeng duguan na inilipat ng tatlong kalalakihan mula sa Nissan Juke patungo sa Honda CR-V noong gabi ng October 12 bago mapaulat na nanawala ang 26 anyos na si Camilon .
Bago mawala ang biktima, nakausap pa nito ang kanyang pamilya at sinabing siya ay nasa Bauan lang at may katagpong isang kakilala.
Noong Oktubre 27 , natukoy na ng Police Regional office 4-A ang huling kasama ni Camilon na police officer kaya naman itinuturing siyang “person of interest” kaugnay sa pagkawala ni Camilon.
Agad na tinanggal sa pwesto ang nasabing pulis na inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit.
Naglaan ng reward na P250,000 sa sinumang makakapagbibigay ng impormasyon sa nawawalang beauty pageant finalist na isa ring guro.