
MAS marami ang nalugmok sa kahirapan sa taong nagdaan ayon sa resulta ng pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS).
Lumabas sa kanilang datos na dismayado ang halos 40% ng mga Pilipinong pasok sa kategorya ng “legal age” na nasadlak lalo sa kahirapan nasa 24% naman ang nagsabing gumanda ang kanilang estado.
Wala naman halos naging pagbabago sa 36% na mga pinoy.
Ayon pa sa SWS survey, pinakamataas ang antas ng kahirapan sa ikatlong sangkapat (quarter) ng 2021, subalit bahagyang nakabawi sa huling tatlong buwan ng nakalipas na taon.
Gayunpaman, nanatiling malayo pa rin ang naitalang pag-angat ng kabuhayan kumpara sa naitalang datos bago paman sumulpot ang perwisyong pandemya.
Kabilang naman ang Metro Manila at Mindanao sa mga lugar kung saan naitala ang mas mainam na pamumuhay, base pa rin sa SWS survey.
Paglilinaw ng SWS, ang isinagawang survey ay may sampling error margins na ±2.6% para sa national percentage at ±5.2% para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.