AABOT sa 9,762 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal ngayong Huwebes, Oktubre 12.
Ayon sa Phivolcs, ito na ang pinakamataas na sulfur dioxide emission mula sa Bulkang Taal na naitala mula Enero ngayong taon.
Wala namang namataang pamumuo ng volcanic smog sa Taal Caldera ngayong araw, batay sa visual monitoring ng Phivolcs. Ngunit malaki pa rin ang tyansa na magkaroon ng vog sakaling magpatuloy ang sulfur dioxide emission.