SINIMULAN nang iparada ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA 2023 ang mga kalahok sa programang Philippine National Skills Competition (PNSC) mula sa iba’t-ibang rehiyon sa ginanap na Skills Village Tour sa TESDA Auditorium, TESDA Complex , Taguig City.
Ayon kay TESDA Director General Danilo P. Cruz , ang skills competitions ay isang malaking oportunidad para sa mga kalahok , “ to demonstrate and celebrate excellence and promote the competence and global competitiveness of the Filipinos ” aniya.
Dagdag pa ni Cruz ang skills competitions ay isang simula para sa kanilang tagumpay at inaasahan ding magbubukas ng maraming oportudidad na magiging daan sa kahit anong daan na kanilang tatahakin.
Simula sa Marso 31, 2023, isang daan at limampung (150) kalahok ang maglaban-laban sa labing walong (18) iba’t-ibang kasanayan (skills) kagaya ng 3D Digital Game Art, Automobile Technology, Beauty Therapy, Cooking, Electrical Installation, Electronics, Fashion Technology, Hairdressing and Graphic Design Technology. Kasama din ang Information Network Cabling, IT Network Systems Administration, IT Software Solutions for Business, Mechanical Engineering CAD, Mechatronics, Refrigeration and Air Conditioning, Restaurant Services, Web Technology and Welding.
Ang probinsya ng Batangas ay isa sa mga kalahok na kung saan mayroon etong walong (8) delegasyon sa larangan ng Welding, Cooking, Restaurant Service, Graphic Design Technology, Information Network Cabling, IT Software Solutions for Busines,IT Network System Administration at Mechanical Engineering CAD
Ang mga mananalo ngayong taon ayon sa pamunuan ng TESDA ay makakatanggap ng certificate , cash incentives at may pagkakataong kumatawan sa Plipinas sa darating na ASEAN Skills Competition na gaganapin sa Singapore.
Dumalo din sa programa bilang guest of honor at keynote speaker si Secretary Bienvenido Laguesma ng Department of Labor and Employment.