Ipinagdiwang ng isang environmentalist group ang consumers month ngayong buwan ng Oktubre sa pamamagitan ng isang toxic toy clinic sa San Antonio Elem School sa Quezon City
Layunin ng nasabing aktibidad na ipalaganap pa ang kaalaman tungkol sa mga nakalalasing kemikal na matatagpuan sa laruan ng mga bata.
Ang mga toxins na taglay ng mga laruan ay maaring magdulot ng karamdaman o pinsala sa sinumang makalalanghap o makakakain ng mga ito.
Ilan sa binabantayan ng Ban Toxics ay ang lead content ng laruan. ang lead o tingga ay inihahalo sa pintura upang magjng mas matingkad ang kulay ng mga laruan. Ang lead kapag pumasok sa katawan ng tao ay maaring magdulot ng perwisyo sa utak at sa buto., sa madaling salita, ito ay nakakabobo at nakababansot. Maging cadium na inihahalo din sa pintura ay may pinsala ding idinudulot sa latawan ng tao.
Dagdag pa riyan ang phthalates, phosphates, carboxylic acid esters, epoxidized fatty acid esters, polymeric polyesters, modified polymers; liquid rubbers, and plastics, Nitrile Butadiene Rubber (NBR), chlorinated PE, EVA, at iba pa na maaring magdulot ng diabetes at obesity.
Nanawagan si Thony Dizon ng Ban Toxics sa publiko, lalo na sa mga magulang na maging mapanuri sa mga bibilhing laruan para sa mga bata lalo pa at nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan kung kailan mas laganap ang mga laruan.
Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga guro, mga magulang, mag-aaral at ilang dalubhasa.