KASADO na ang malawakang protestang gagawin ng transport group na Manibela bukas, Enero 16 upanag labanan ang programang modernisasyon ng Public Utility Vehicle(PUV) .
Ayon kay Manibela President Mar Valbuena , tinatayang nasa 10,000 hanggang 15,000 jeepney drivers at operators ang lalahok sa protesta bukas.
Magsisimula ang protesta sa University of the Philippines ng alas -10 ng umaga, magka-caravan patungong Welcome Rotondaat saka magmamartsa pa- Mendiola sa Maynila.
Sinabi pa ng grupo sa kanilang FB post na , umaasa ang grupo na kakatigan ng korte suprema ang hiling nilang temporary restraining order laban sa PUV modernizationProgram.
Isasagawa rin sa magpoprotesta ang grupong Piston at iba pang sektor sa bansa. Maging ang mga estudyante ay sasali rin sa pakikiisa upang mapanatili ang prangkisa ng mga PUV.
Ang patuloy na pakikibaka ng mga PUV ay ang nabigong magpasailalim sa mga kooperatiba hanggang Disyembre 31, 2023 at kasalukuyang bumibiyahe ng walang kooperatiba ay maaari lamang umanong bumiyahe hanggang Enero 31.