MATAGUMPAY ang kampanya laban sa droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan ay tatlong beses na halaga ng mga ilegal na droga na nasamsam sa mga operasyon ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP) noong Martes .
Sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na nakuha ng mga awtoridad ang kabuuang halagang 10,324.61 kilo ng ilegal na droga na nagkakahalag ng Php21.1 bilyon mula Hulyo 1, 2022, nang italaga si Pangulong Marcos, hanggang Enero 31, 2024.
Halos tatlong beses ang halaga ng na-rekord na 5,472.21 kilo ng ilegal na droga na nasamsam na may kabuuang halaga na Php8.04 bilyon para sa panahon ng Disyembre 2020 hanggang Hunyo 30, 2022.
Para sa panahon ng Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31, 2024, nagsagawa ang mga awtoridad ng 75,831 na operasyon laban sa droga na humantong sa pag-aresto ng 95,790 na indibidwal.
Ang operasyon laban sa droga ay isa sa mga larangang binigyan ng pansin ng PNP mula sa simula ng administrasyon ni Marcos, kasama ang mga laban sa illegal na baril, e-sabong at mga ilegal na website ng sugal, at mga teroristang grupo ng mga komunista.