NANAWAGAN sa pamahalaan si House Deputy Majority Leader Erwin T. Tulfo na mag-invest sa mas mabilis na mga barko para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para makasabay tayo sa pagbibigay seguridad sa West Philippines Sea (WPS).
Kasabay nito, naghain ng resolusyon si Tulfo at apat pang mambabatas na nananawagan sa gobyerno na payagan ang Estados Unidos at iba pang mga kaalyadong bansa na mabigyan ng access sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para makatulong sa atin sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isinagawang pagdinig nitong Martes ng House Special Committee on West Philippine Sea, iminungkahi ni Tulfo sa National Task Force for the WPS, kabilang ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard na importante ang mabilis na mga barko para sa pagbabantay sa ating mga teritoryo partikular sa WPS.
“Gaano po kabilis ang sasakyan natin? How fast is it? Talagang aabutan kayo kung ang takbo nyo lang ay five knots tapos sila ay nasa 20 knots talagang maabutan kayo,” tanong ni Tulfo sa mga resource person.
“The Chinese Coast Guard is toying with you. In short, pinaglalaruan po tayo, pino-propvoke po tayo. And we have been very patient in the past months or a year or two,” dagdag pa ni Tulfo.
Inamin naman ni PCG Commodore Jay Tristan Tarriela na ang kanilang 44-meter vessel ay kayang tumakbo ng 22-25 knots. “However, since our primary mission is to provide escort to the chartered boat we have to adjust our slow speed so that we can able to phase our chartered boat,” tugon niya.
“Wala po ba tayong makuha na sasakyan na matulin tulin naman. Kasi kung seven knots ang swimmer natin ay baka seven knots ang bilis, eh talaga hong maabutan yan. Kawawa nga din naman ang Coast Guard magiging siya ang panangga,” balik na tanong ni Rep. Tulfo.
Tugon namamn ng mga resource person na kasama talaga sa kanilang plano ang mungkahi ng mambabatas.
Samantala, naghain sina ACT-CIS lawmakers, Reps. Erwin Tulfo, Edvic Yap at Jocelyn Tulfo at dalawa pang mambabatas na sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo, ng House
Resolution No. 1421 na payagan ng pamahalaan na mag-patrulya ang US at iba pang kaalyadong bansa sa WPS.
“I filed a resolution to extend to the Armed Forces of Australia, Japan and South Korea the privilege of using the military bases under the EDCA, while they are conducting patrol, in coordination with the naval and air forces of the Philippines and the United States in the West Philippines Sea,” ayon sa pahayag ni Tulfo.
Pinangunahan ni Tulfo ang pagsusumite ng resolusyon dahil umano sa tila walang intensyon ang China na igalang ang ating mga karaparapatan sa mga karagatan na ating nasasakupan.
“If we allow this violation of our territorial integrity to continue, we will one day find the Chinese on our shores, and they will claim that they have a historical right over not only one part, but, God forbid, all of the Philippine archipelago,” dagdag pa ng House Deputy Majority Leader.
Layon ng resolusyon na payagan ng ating pamahalaan ang US at iba pang kaalyadong bansa tulad ng Australia at Japan para pagkaroon ng access sa mga EDCA sites sa Naval Base Camilo Osias, Sta. Ana, Cagayan at Balabac Island, Palawan para sa joint naval at air patrols sa WPS.
“The Philippines is a small country. It can only find strength in numbers, and that is by joining a military alliance. That’s the reason why Japan and South Korea, both military and economic powerhouses, continue to host US military bases,” sinabi pa ni Tulfo.