
DINALA sa pagamutan ang 50 indibidwal dahil sa tumagas na ammonia sa isang ice plant sa Casiguran, Aurora .
Habang inilakas sa evacuation center ang 44 na residente makaraang makaranas ng pagkahilo, panlalabo ng mata matapos makalanghap ng kemikal.
Inaayos na ngayon ng pamunuaan ng planta ang tumagas na ammonia.
Ayon sa Department of Health, masamang makalanghap ng Ammonia, kapag ang isang indibidwal ay nakalanghap nito ay maaaring mairita ang balat ng tao, mata, lalamunan at nagiging sanhi ng pag-ubo at pagkapaso.
Ang ammonia ay ginagamit bilang refrigerant gas, water purification , paggawa ng plastic , explosives, textiles, pesticides, dyes, at iba pang kemikal.