Malaki ang paniniwala ng Department of Tourism na madadagdagan pa ang papasok na turista sa ating bansa makaraang buksan ito noong nakaraang Linggo.
Base sa talaan na inilabas kahapon (Pebrero 14),umabot sa 9,283 ang mga pumasok na turista mula sa mga visa-free countries ,nasa 4,209 ang mga returning Filipinos (balikbayan) samantalang 5,074 ang mga foreign tourists .
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat “We at the DOT are excited to see a revival in our local tourism and will continue to support our partners in achieving this goal ” .
Kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga dumarayo sa ibang bansa ,pianghahandaan na rin ng DOT ang pagdagsa ng mga ito sa Pilipinas marahil nasa 90 porsyento na ang mga mangagawa ang fully vaccinated na .
Pinaaalahanan rin na ang mga fully vaccinated na turista ay kinakailangang magpakita ng kanilang vaccination card at RT-PCR test result sa loob ng 48 -oras bago umalis sa bansang pinanggalingan.