Skip to content
July 13, 2025
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
cropped-cropped-logo.png

Direct from the source

Primary Menu
  • Home
  • Nation
  • Regions
  • Feature
  • Metro
  • Business
  • Entertainment
  • International
  • Healthbits
  • Tourism
Live
  • Home
  • Nation
  • Dagdag P100 sa mga manggagawa, isinusulong na sa Senado
  • Nation

Dagdag P100 sa mga manggagawa, isinusulong na sa Senado

admin February 7, 2024
workers
Post Views: 445

PANUKALANG dagdag na P100 para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa ang sinalang ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa plenaryo ng Senado .

Nasa 4.2 milyong manggagawa ang tinatayang makikinabang sa isinusulong ng tagapangulo ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development sa ilalim ng Senate Bill No. 2534.

Mula sa orihinal na panukalang P150 na dagdag-arawang sahod, sinabi ni Estrada na inirekomenda ng kanyang komite ang halagang P100 dahil halos lahat ng regional wage boards ay naglabas na noong nakaraang taon ng kautusan na nagtatakda ng pagtaas ng arawang sweldo mula P30 hanggang P90.

“Bagama’t kinikilala natin ang wage hikes na ipinatupad kamakailan ng regional wage boards, tila nabura na ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, kaya natin iminumungkahi ito. Ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa mas disenteng lebel ay napapanahon at talagang kailangan para ipantay, kahit papaano, sa pagtaas ng presyo ng bilihin,” ani Estrada.

Patuloy man na nangunguna ang minimum wage sa Metro Manila para sa mga hindi sakop ng sektor na na pang-agrikultura sa bansa na may P610 kada araw na sahod, nababawasan ang halaga nito dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, sabi ng mambabatas.

Ang tunay na halaga ng minimum wage ay bumaba sa P514.50 noong Hulyo 2023, at lalo pang bumaba sa P504 noong Oktubre 2023 at ang ganitong sitwasyon ay umiiral sa lahat ng mga rehiyon, ayon kay Estrada.

“Matapos pag-aralan ang mga kasalukuyang sitwasyon at posisyon ng iba’t ibang sektor, iminumungkahi natin ang pagtaas ng arawang sahod upang maibsan ang pasanin ng mga Pilipino sa harap ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw. Hindi natin dapat balewalain ang kawalan ng katarungan at ang kalagayan sa ekonomiya ng ating mga manggagawa na bumubuhay sa ating ekonomiya,” diin ni Estrada, kilalang tagapagtanggol ng mga manggagawa.

Aniya, ang ipinatutupad na minimum wage ay hindi kasya para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ng mga manggagawa, na tinatayang nasa P8,379 kada buwan.

“Bagamat ang inflation ay bumabagal–nasa 2.8% nitong January 2024 –hindi ibig sabihin nito ay bumababa na rin ang presyo ng mga bilihin. Sa katunayan, ang rice inflation ay pumalo sa 22.6%, ang pinakamataas na antas mula March 2009, at patuloy pa ang pagtaas ng ibang mga bilihin sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente at gasolina,” dagdag pa ng senador.

“Pinakinggan po natin ang hinaing ng ating mga manggagawa na matagal nang humihiling ng umento; at ito na ang tugon ng inyong Senado sa mga panawagang iyon,” ani Estrada.

Continue Reading

Previous: Over P25- M fake cigarettes seized in Mindanao
Next: Speaker mobilizes P35-M aid to families affected by huge fire in Palawan

Related Stories

viber_image_2025-07-13_01-01-15-855
  • Nation

BJMP to give 113K PDLs to rebuild skills, livelihood program

admin July 13, 2025
Phil-Heart-ph1
  • Nation

Philippine Heart Center names lobby after patron former First Lady Imelda Marcos

admin July 12, 2025
chicken1
  • Nation

Gov’t lifts ban on imported domestic, wild birds from Japan

admin July 12, 2025

Archives

Categories

Recent Comments

  1. meaning of allahumma barik laha on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  2. 오피 on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  3. togel online on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services

Pages

  • About Us
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Search

You may have missed

viber_image_2025-07-13_01-01-15-855
  • Nation

BJMP to give 113K PDLs to rebuild skills, livelihood program

admin July 13, 2025
518163997_1176070904555241_5849370116242502024_n
  • Regions

P1.1-M shabu, baril nasabat sa 3 katao sa Rizal

admin July 13, 2025
FB_IMG_1752364153555 (1)
  • Regions

4 na suspek tiklo sa sinalakay na drug den sa Antipolo City

admin July 13, 2025
Phil-Heart-ph1
  • Nation

Philippine Heart Center names lobby after patron former First Lady Imelda Marcos

admin July 12, 2025
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Contact Us
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
©2023 theinsidernews.info / All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept”, you consent to the use of ALL the cookies.
Do not sell my personal information.
Cookie SettingsAccept
Manage consent

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
CookieDurationDescription
cookielawinfo-checkbox-analytics11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional11 monthsThe cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy11 monthsThe cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytics
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.
Others
Other uncategorized cookies are those that are being analyzed and have not been classified into a category as yet.
SAVE & ACCEPT