UMARANGKADA na ang tatlong araw na tigil pasada ng grupong Piston sa buong bansa dahil sa pagkontra sa Public Utility Vehicle o PUV modernization program.
Sumali ang nasa 100,00 miyembro ng Piston sa transport strike hanggang sa November 22, 2023.
Ayon kay Piston President Mori Mirandainaasahang mapaparalisa nila ang transportasyon sa buong Metro Manila.
Sabay-sabay na nagprotesta sa kalakhang Maynila ang grupo partikular na sa Novaliches , Philcoa , Litex, Alabang at ilan pang probinsya sa Southern Tagalog,Bicol region at Cebu.
Samantala tinapatan naman ng LTFRB ng libreng sakay ang tigil-pasada ng grupong Piston.
Ipinakalat ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB ang nasa 250 sasakyan sa buong Metro Manila.
May libreng sakay ang mga mananakay na naapektuhan ng strike.
Aniya, nasa 10,000 pasahero ang kayang serbisyuhan ng libreng sakay . Kabilang sa idedeploy ang ang mga truck, bus, e -trikes, patrol cars.