KASONG kidnapping at illegal detention ang kinakaharap na kaso ng isang doktor sa Butuan City matapos maaresto nitong Biyernes sa San Juan City .
Dinakip si Maria Natividad Castro,53 anyos sa Barangay San Perfecto dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Enero 30 ,2020 ng Fernando Fudalan Regional Trial Court Branch 7 sa Bayugan City,Agusan del Sur.
Walang nirekomendang piyansa kay Castro na may alyas na Yam,Agi,Kyle o Prim.
Kabilang ito bilang no.7 regional level communist terrorist group (CTG) na siyang pangunahing target at namumuno sa National Health Bureau ng CPP-NPA na nakabase sa Baranagay Libertad ,Butuan City ,ayon sa Police Regional Office sa Caraga (PRO-13).
Itinuturo si Castro na kabilang umano sa pagdukot ng miyembro ng Civilian Active Auxilary (CAA) na dinadala sa di malamang lugar at tinakot noong Disyembre 29,2018 sa Barangay Kolambungan,Sibagat,Agusan del Sur.
Ang CAA ay katuwang ng Armed Forces of the Philippines sa seguridad ng lugar.