ISANG 49- anyos na businesswoman ang naaresto habang kumukuha ng police clearance dahil sa kasong human trafficking.
Nabatid ng mga otoridad ang suspek na si Maryjane Bay ng Barangay Laguille, Taal Batanags.
Napag-alamanang si Bay ay nabibilang sa most wanted persons sa regional level ng Police Regional Office 4-A.
Sa ulat ng pulisya , inaresto agad si Bay nang magpunta sa Calaca police Station upang kumuha ng police clearace bandang alas 2:44 ng hapon.
Habang pino- proseso ang kanyang clearance ay nadiskubre ng pulisya na may dalawang standing warrants of arrest ito sa kasong qualified trafficking na inisyu ng korte na walang nirekomendang piyansa.
Ayon kay Batangas police director Colonel Samson Belmonte “ Our national Police Clearance System is an excellent tool to track down those who are responsible for the law. It’s proof that technology is associated with the police in more effective and faster law enforcement. We congratulate the police of Batangas, especially the police of Calaca Municipal Police Station, for the immediate arrest of the said accused.”