HINDI lamang protekyon ng kababaihan laban sa karahasan at iba pa pang uri ng pang-aabuso ang empowerment ng kababaihan ngayon, ayon kay Sen. Cynthia A. Villar.
Sa kanyang Inspirational Message sa National Summit ng Lady Local Legislators’ League (4L) of the Philippines, iginiit ni Villar na nangangahulugan din ang women empowerment ng pagkakataon na kumita.
Sa kasalukuyang panahon, mahalagang ‘contributors’ ang karamihan sa economic growth.
“It goes without saying that economically empowered women can augment their family’s income, put food on the table, and play pivotal roles in raising and educating their children,” ani Villar.
“And these well-bred and educated children will then become the future assets of our nation,” dagdag pa niya.
Binanggit niya sa mga lumahok sa okasyon na kaisa siya sa adbokasiya ng mga ito na women empowerment.
Naniniwala siya na kapag binigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan, pinalalakas natin ang lipunan at henerasyon na mag-aambag sa nation building.
“In line with this, I would like to share that I have set-up around 3,000 community-based livelihood projects and enterprises nationwide,” pahayag ni Villar.
Kabilang sa mga proyekto ang waterlily handicraft-weaving enterprise, handmade paper factory; coconet-weaving enterprise, charcoal-making factory; organic fertilizer production through composting, waste plastic recycling factories na gumagawa ng school chairs mula sa plastic wastes, bamboo processing, at agricultural related livelihood programs sa farm tourism facilities at farm schools.
“I am proud to emphasize that women are a dominant force in these livelihood enterprises,” sabi ng senator .