NANANATILI sa red zone classification ang Zamboanga City dahil sa patuloy na pagtaas ng African Swine Fever (ASF) sa lugar na ito.
Base sa inilabas na talaang Office of the City Veterinarian (OCVet) umabot na sa 4,365 ang kaso roon.
“The number of barangays hit by ASF remain at 34 out of the 98 barangays,” ayon kay Dr. Mario Arriola, OCVet chief ng city Hall Information Office.
Ang bilang ng apektadong hog raisers ng ASF sa lungsod ay nasa 1,053 matapos itong matuklasan noong nakaraang Mayo.
Sa ngayon ay hinihigpitan na ang mga border roon at naglaan ng quarantine upang malabanan ang sakit sa hayop na ASF.