
NAKASUNGKIT ng 10 medalya sa katatapos lamang na Merlion Open Dancesport Championships 2025 sa Singapore ang dating pambato ng lalawigan ng Oriental Mindoro sa Dancesport na si Aidhen Benny Dick L. Atienza.
Nagbigay inspirasyon sa mga kabataang si Atienza na sa murang edad na 12-anyos, ay nakagawa na ng sariling pangalan sa larangan ng Dancesports.
Buong -pusong ipinagmamalaki ng buong bansa si Atienza dahil sa hatid nitong karangalan at tagumpay. Kaya naman malugod kang binabati ng iyong mga kababayang Mindoreño rin .