NAGHAIN ng panukalang batas si Senador Jinggoy Estrada na naglalayong tuldukan ang pagsasagawa ng redtagging na aniya ay kadalasang nagiging sanhi ng harassment, paglabag sa karapatang pantao at dahilan sa pagpaslang ng mga aktibista, mamamahayag, community leaders at ordinaryong mamamayan. “Ang redtagging ay hindi lamang pagbibigay ng label o bansag – ito ay isang banta. Kapag ang isang tao ay binansagan na communist sympathizer, agad nalalagay sa panganib ang kanyang buhay,” diin ni Estrada. Ang Senate Bill No. 1071, o ang “Anti-RedTagging Act,” na inihain ni Estrada ay naglalayong ideklara ang red-tagging na isang krimen na mayroong kaakibat na parusa. Ang panukalang SBN 1071 ay naka-angkla sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Deduro v. Maj. Gen. Vinoya, kung saan kinilala ng korte na ang red-tagging, paninirang-puri, maling pagle-label, at guilt by association ay naglalagay sa panganib sa buhay, kalayaan, at seguridad ng isang tao, at kadalasang nauuwi sa pagdukot, pananakot, o maging extra-judicial killings. Nais ng panukala na kilalanin at ipaloob sa batas ang red-tagging upang mabigyan ng proteksyon ang mamamayan kontra sa hindi makatarungang pananakot, panggigipit, o pag-uusig. Ang red-tagging, ayon sa SBN 1071, ay ang hayagang pagbansag o pag-akusa sa mga indibidwal o grupo bilang mga komunista, terorista, o kalaban ng Estado — na kadalasan ay walang sapat na ebidensya. Maituturing na red-tagging ang paglalabas ng pahayag sa publiko, social media posts, tarpaulin, karatula, deklarasyon, public events, at iba pang platapormang ginagamit upang i-label o siraan ang isang tao o grupo bilang kalaban ng Estado. Nais ni Estrada sa kanyang itinutulak na bill ang pagpapataw ng 10 taong pagkakakulong at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyong pampubliko bliang parusa sa sinumang mapapatunayang lumabag sa batas. “Matagal nang nanganganib ang buhay ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga aktibista dahil sa red-tagging. Naglilikha ito ng chilling effect sa mga lehitimong kritiko at lider ng komunidad — kabilang na ang mga mamamahayag — at naghahasik ng takot sa ating bansa. Wala itong lugar sa isang demokratikong lipunan,” sabi ng senador. Ayon kay Estrada, marami sa mga naitalang kaso ng red-tagging ang nagpapatunay na nakamamatay ang gawaing ito, tulad na lamang sa mga kaso nila Jose Reynaldo Porquia, Zara Alvarez, lawyer Benjamin Ramos, at Konsehal Bernardino Patigas — mga indibidwal na hayagang tinawag na komunista ng mga owtoridad bago sila brutal na pinaslang. “Ang seguridad na ipinagbubunyi ng Estado ay dapat nagpoprotekta, hindi naglalagay sa panganib. Hindi krimen ang adbokasiya. Hindi terorismo ang dissent,” giit ni Estrada. “Tinitiyak ng panukalang ito na walang buhay ng Pilipino ang malalagay sa panganib dahil lamang sa walang-ingat at walang-basehang paratang.”
NAGTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates nitong Lunes para sa isang working...
HABANGginugunita ng Pilipinas ang National Zero Waste Month ngayong Enero, nanindigan si Senadora Loren Legarda sa kanyang panawagan para sa mas matibay na pambansang pagkakaisa upang harapin ang lumalalang krisis sa basura ng bansa. Ipinunto ng Senadora na bagama’t lumawak na ang kamalayan at dumami ang mga inisyatiba sa komunidad, kailangan ang mas malalalim na reporma at sama-samang pagkilos. “Ang Zero Waste ay isang pambansang paninindigan,” pahayag ni Legarda. “Kailangan natin ng mas matibay nap ag-aksyon. May pananagutan ang bawat Pilipino, at dapat tumindig ang bawat institusyon upang pangalagaan ang ating kalikasan at ang kinabukasan ng susunod na henerasyon,” dagdag niya. Ang panawagan ng Senadora ay kasunod ng nakababahalang datos mula sa What a Waste Global Database Report ng World Bank noong 2025, kung saan ika-27 ang Pilipinas sa 50 bansang may pinakamalaking nalilikom na municipal solid waste, na umaabot sa 14.6 na milyong tonelada kada taon. Malaking bahagi nito ay plastik, at nagbabala ang mga eksperto na ang patuloy na pagdami ng basura ay nagbabanta sa kalusugan ng publiko, katatagan ng mga lungsod, at mga pagsisikap ng bansa sa pag-angkop sa pagbabago ng klima. Binigyang-diin ni Legarda na ang maling pamamahala ng basura ay tuwirang nagpapalala ng pagbaha at panganib sa sakuna. Noong Hulyo 2025, nakalikom ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit 600 tonelada ng basura sa buong NCR sa kasagsagan ng malalakas na ulang dulot ng habagat kabilang ang 526.8 tonelada mula sa mga pumping station at 76.9 na tonelada mula sa mga binahang lugar. Samantala, nag-alis ang DENR-NCR ng mahigit 872,000 sako ng debris mula sa mga ilog at estero upang mabawasan ang pagbaha. Kinumpirma ng mga awtoridad na ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig dahil sa maling pagtatapon ng basura ang lalong nagpalala ng pagbaha sa Metro Manila. “Ang pagbaha ay hindi lamang usapin ng ulan; ito ay pinalalala ng basurang bumabara sa ating mga ilog at estero,” babala ni Legarda. “Bawat piraso ng basura ay nagiging hadlang na naglalagay sa panganib ng buhay. Ang mas mahigpit na disiplina sa basura ang pananggalang na maaari nating buuin nang magkakasama,” diin niya. Kasabay nito, binigyang-diin ni Legarda na matagal nang umiiral ang balangkas para makamit ang zero waste sa pamamagitan ng Republic Act No. 9003, o Ecological Solid Waste Management Act, na kanyang iniakda at pangunahing inisponsoran. Inaatasan ng batas ang paghihiwalay ng basura sa pinagmulan, pagtatatag ng materials recovery facilities (MRFs) sa bawat barangay, at pagbawas ng basura sa pamamagitan ng pagre-recycle, composting, at muling paggamit. “Ibinibigay ng RA 9003 ang malinaw na gabay: paghihiwalay sa pinagmulan, pagre-recycle, composting, at muling paggamit,” paliwanag ni Legarda. “Kung ipatutupad ng bawat barangay ang materials recovery facilities at isasagawa ng bawat tahanan ang tamang paghihiwalay ng basura, maaari nating lubos na mabawasan ang basura at maprotektahan ang ating mga komunidad.” Binanggit din ni Legarda ang Republic Act No. 11898, o ang Extended Producer Responsibility Act of 2022, na kanyang iniakda bilang co-author upang palakasin ang RA 9003 sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga prodyuser na bawiin at i-recycle ang plastik na packaging waste sa ilalim ng malinaw na EPR programs. Upang umakma sa mga balangkas na ito, muling inihain ni Legarda sa ika-20 Kongreso ang Magna Carta of Waste Workers, isang panukalang naglalayong i-standardize ang kundisyon sa trabaho, palawakin ang social protection, at pormal na kilalanin ang mga pormal at impormal na waste workers bilang mahahalagang katuwang sa pamamahala ng kalikasan. “Mahahalagang katuwang ang mga waste worker sa pangangalaga ng kalusugan ng publiko at ng kapaligiran. Sa pagtiyak ng kanilang mga karapatan at proteksyon, itinataguyod natin ang kanilang dignidad at pinatitibay ang ating paninindigan sa people-centered environmental governance,” pahayag ni Legarda. Ngayong Zero Waste Month, muling pinagtibay ni Legarda ang kanyang pangako na isulong ang mga repormang magpapalakas sa pananagutan ng mga prodyuser, magbibigay-lakas sa mga komunidad, at mag-iinstitusyonalisa ng suporta para sa mga waste worker. “Ito ang simula ng panibagong taon ng pananagutan,” ani Legarda. “Ngunit sa pagkakataong ito, dapat itong markahan ng aksyon at resulta. Ang zero waste ay hindi pangarap kundi ating responsibilidad sa ating bansa at sa mga susunod na henerasyon.”
MORE tourism-related enterprises can now enjoy smoother operations and faster business registration as local government units (LGUs)...
PUBLIC trust in the House of Representatives posted a significant increase in the final quarter of 2025,...
THIS year’s Anilag Festival, known as the mother of all Laguna festivals, marks the first under Governor...
“This means that students will learn how AI works, teachers can learn how to integrate AI into...
THE House of Representatives has approved on third and final reading 12 of the 48 priority measures...
TOGETHER with Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice, we filed today before the Supreme Court a...
MANILA — MAS pinahigpit ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng FY 2026 national budget...
PASADO rin sa 2025 Bar Examinations ang 10 paring Katoliko at isang religious brother . Ayon sa...
INANUNSIYO ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes ang plano nitong magtayo ng karagdagang food hubs ngayong...
NAKAPASA sa 2025 Bar Examination na may kabuuang 5,594 na examinees na kumakatawan sa passing rate na...
ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes ang alert status ng Bulkang Mayon...
NAGLABAS ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng travel and safety advisory sa mga Pilipino sa Venezuela...
AGRICULTURE Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. is zeroing in on one of the most volatile items...
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. during the signing of the Republic Act No, 12314, or the General...
THE enrolled 2026 budget measure has allotted P2.9 billion for the rollout of the School-Based Mental Health program and the creation of the Learner Wellness Division, Senator Win Gatchalian said. The allocation is consistent with the implementation of the Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080), which Gatchalian authored. The law mandates the development and strengthening of the School-Based Mental Health Program to promote the well-being of learners. The program shall manage the mental health concerns of all learners, including the prevention of suicides in schools. “Kinikilala natin ang bigat at agarang pangangailangan na tugunan ang mga suliranin sa mental health ng mga kabataan. Kaya bahagi ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa sektor ng edukasyon ang pagtaguyod sa mental health at kapakanan ng ating mga mag-aaral,” said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Finance. The law’s implementing rules and regulations (IRR) also seeks the creation of a Learner Wellness Division under the Bureau of Learner Support Services. The division is tasked with setting annual targets for the law’s implementation, including establishing school mental health offices and care centers, and filling required plantilla positions. Gatchalian: P2.9 Bilyon Ilalaan Para sa School-Based Mental Health Program Ayon kay Senador Win Gatchalian, naglaan ng P2.9 bilyon ang panukalang 2026 budget para sa pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program at sa paglikha ng Learner Wellness Division. Ang naturang pondo ay alinsunod sa pagpapatupad ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080) na inakda ni Gatchalian. Inaatasan ng batas ang pagbuo at pagpapalakas ng School-Based Mental Health Program upang isulong ang kapakanan ng mga mag-aaral. Saklaw ng programa ang pamamahala sa mga usapin tungkol sa mental health ng lahat ng mag-aaral, kabilang ang pag-iwas sa mga insidente ng pagpapakamatay sa mga paaralan. “Kinikilala natin ang bigat at agarang pangangailangan na tugunan ang mga suliranin sa mental health ng mga kabataan. Kaya bahagi ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa sektor ng edukasyon ang pagtataguyod sa mental health at kapakanan ng ating mga mag-aaral,” pahayag ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance. Nakasaad din sa implementing rules and regulations (IRR) ng batas ang paglikha ng Learner Wellness Division sa ilalim ng Bureau of Learner Support Services. Ang nasabing dibisyon ang mangangasiwa sa pagtatakda ng taunang mga target para sa pagpapatupad ng batas, kabilang ang pagtatatag ng mga school mental health offices at care centers, gayundin ang pagpuno sa mga kinakailangang plantilla positions.
NINOY Aquino International Airport (NAIA) recorded its highest annual passenger traffic in 2025, reflecting sustained demand for...
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday called on Filipinos to welcome the New Year with discipline,...
SPEAKER Faustino “Bojie” G. Dy III on Tuesday announced that the House of Representatives will shift to...
THE City of Calamba commemorated the 129th Anniversary of the martyrdom of Dr. Jose Rizal on December...
THE House of Representatives on Monday, December 29. 2025, ratified via viva voce vote the conference committee...
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos, Jr.’s administration has protected the poorest Filipino families by keeping inflation under control...
MULING hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tugunan ang mga problema sa senior high school voucher program (SHS VP), kabilang ang mga “ghost” student beneficiary at ang kabiguang bigyang-prayoridad ang mga mag-aaral na higit na nangangailangan. Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng paglabas ng 2026 annual audit report ng Commission on Audit (COA) sa DepEd. Binatikos sa ulat ang kakulangan ng malinaw at “standardized parameters” sa pag-assess sa kakayahang pinansyal ng mga mag-aaral. Tinukoy ng COA na may mga kaso kasi na hindi maipaliwanag ang pagiging absent ng mga sinasabing benepisyaryo kapag may monitoring visit, pagkakalista ng pangalan ng mag-aaral nang higit sa isang beses sa iisang paaralan o sa iba pang paaralan, at ang pagkakaroon ng status na “enrolled” kahit hindi naman pumapasok sa klase. Noong 2024, pinangunahan ni Gatchalian ang isang imbestigasyon sa Senado na nagbunyag na P7.21 bilyon ang nagastos para sa mga hindi mahihirap na benepisyaryo ng SHS-VP para sa School Year 2020–2021. Dahil dito, hinimok niya ang DepEd na bigyang-priyoridad ang pinakamahihirap na mag-aaral sa pagpili ng mga benepisyaryo ng SHS-VP. “Nakakadismayang malaman na nagpapatuloy pa rin ang ganitong klaseng mga problema sa pagpapatupad ng senior high school voucher program, na dapat sana ay nakakatulong sa mga mag aaral nating nangangailangan. Hindi na natin papayagang magpatuloy ito,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.
THE Department of Health (DOH) – Ilocos Region has recorded twenty (20) fireworks-related injuries (FWRI from December...
THE bicameral conference committee convened to reconcile conflicting votes on House Bill (HB) 4058, or the General...
DAVAO CITY — Davao City First District Representative Paolo Duterte reported a wide range of accomplishments for...
