MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang high-value individual (HVI) sa isinagawang operasyon ng pulisya noong Huwebes sa Brgy. Concepcion sa Lumban, Laguna.
Base sa ulat kay PR0-4A regional director BGen. Paul Kenneth Lucas naaresto ang suspek na si alyas Axcel, 24, na kabilang sa HVI sa Lumban MPS drug watchlist.
Ang suspek na residente ng Barangay Maytalang 1, Lumban, Laguna matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpapanggap na buyer.
Nakuha ng mga otoridad ang tatlong sachet na naglalaman ng 150 gramo ng shabu na may halagang P1,020,000, isang weighing scale, isang pouch, at drug-bust money.
Samantala, dinala sa Lumban MPS ang naarestong suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon at nakatakdang sampahan ng kaso ng pulisya ang suspek sa Provincial Prosecutor’s Office sa Sta. Cruz, Laguna.
