
INIHAIN sa kamara ang labingwalong miyembro ng Kongreso mula sa Eastern Visayas ang pagtatayo ng undersea tunnel o long-span bridge sa San Bernardino Strait para sa pagkonektahin ang lupa sa pagitan ng Luzon at Visayas na makakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Pinangunahan ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ang paghain ng House Bill No. 4589, na naglalayong magtatag ng fixed 28-kilometrong tawiran sa pagitan ng mga lalawigan ng Sorsogon at Northern Samar na magiging daan para sa pagbabawas ng oras ng paglalakbay, mobility sa panahon ng bagyo na magbibigay ng relief operations at magbubukas ng mga bagong oportuniudad para sa kalakalan, turismo, at trabaho.
Magmumula asng tulay mula sa Metro Manila hanggang Samar at Leyte nang hindi kinakailangang pumila sa lantsa upang kumonekta sa isla. Ang ferry link sa pagitan ng Matnog at Allen ay madalas ay dumaraan sa maalon na dagat at congestion.
Ang Eastern Visayas ay kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming bagyo sa bansa, na nahaharap sa average na 20 tropical cyclones bawat taon. Kadalasan ito ang unang tinatamaan ng masasamang weather system na pumapasok sa Pilipinas.
Hinimok ni Libanan, ang Kongreso na kumilos nang mabilis sa panukala.
Sa ilalim ng panukalang batas, “ang feasibility study at engineering design ay isasagawa ng isang kwalipikadong international consulting firm na may napatunayang karanasan sa katulad na undersea tunnel o long-span bridge projects.”
Kabilang sa mga may-akda ng panukalang batas ay ang mga Kinatawan:
• Niko Raul Daza (Northern Samar, First District)
• Edwin Marino Ongchuan (Northern Samar, Second District)
• Stephen James Tan (Samar, Unang Distrito)
• Reynolds Michael Tan (Samar, Ikalawang Distrito)
• Christopher Sheen Gonzales (Eastern Samar, Lone District)
• Roger Mercado (Southern Leyte, Unang Distrito)
• Christopherson Yap (Southern Leyte, Ikalawang Distrito)
• Gerardo Espina Jr. (Biliran, Lone District)
• Ferdinand Martin Romualdez (Leyte, Unang Distrito)
• Lolita Javier (Leyte, Ikalawang Distrito)
• Anna Victoria Tuazon (Leyte, Ikatlong Distrito
• Richard Gomez (Leyte, Ikaapat na Distrito)
• Carl Nicolas Cari (Leyte, Fifth District)
• Andrew Julian Romualdez (Tingog)
• Jude Acidre (Tingog)
• Yedda Marie Romualdez (Tingog)
• Jonathan Clement Abalos II (4Ps)
Ang pagpopondo para sa pag-aaral at disenyo ay dapat isama sa General Appropriations Act.