
PATAY ang tatlong miyembro ng isang pamilya nitong Lunes habang sugatan ang isang 14-anyos na lalaki sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Bgy. San Sebastian, Tarlac City.
Isang ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr. ng Tarlac City police, kinilala ang mga nasawi na sina Lloyd Gan Paglingayen, 38; ang kanyang asawang si April Marie. 39; at ang kanilang anak na babae na si Naarah Olivia, 7.
Nakaligtas sa sunog ang 14-anyos na anak ng mag-asawang si James Olive ngunit nagtamo ng mga sugat sa katawan na kasalikuyamh ginagamot sa Tarlac Provincial Hospital.
Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya sa Calle Edwards.
Sa imbestigasyon, na-trap ang tatlong biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay habang nakatakas naman ang binatilyo sa umaapoy na apoy.
Agad na nagsagawa ng rescue at pag-apula ng apoy n ang mga rumespondeng tauhan mula sa Tarlac City police at BFP.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog.