
INILARAWAN bilang “phenomenal” o pambihira ang pag-ulan ang nangyari sa ilang lugar sa Quezon City kahapon kung saan naitala rin sa Nangka, Marikina .
Umabot sa 36 sa 142 barangay sa lungsod ang naapektuhan ng matinding pagbaha ang naranasan .
Lubos na naapektuhan ang mga residenteng nasa District 1, 3 at 4 kaya naman kaugnay nito naglabas na pahayag ang local na pamahalaan ng lungsod Quezon ng preliminary analysis ng UP Resilience Institute at UP NOAH Center batay sa rain gauges at weather stations sa Metro Manila ng PAGASA at IRISEUP ng QC government,
Umabot sa 121 millimeters sa loob lamang ng isang oras ang kasagsagan ng ulan sa Quezon City. Higit na mataas kaysa sa pinakamataas na lakas ng ulan sa loob ng isang oras noong panahon ng Bagyong Ondoy (~90 mm/oras).
Hindi kinaya ng drainage system ng lungsod ang napakaraming tubig-ulan sa napakaikling oras kaya nagresulta ito ng malalang pagbaha, maging sa ilang lugar na hindi karaniwang binabaha.
Ang agaran at tuloy-tuloy na pagsasaayos ng drainage system ang sinisikap na solusyunan base na rin sa isinasaad ng Drainage Master Plan (DMP) ng lungsod.
Naging mabilis naman ang paghupa ng tubig dahil sa walang humpay na declogging operation ng Department of Engineering na isinasagawa buong taon.
Agad na ring kumilos ang Department of Sanitation and Cleanup Works para maalis ang mga gamit ng mga residente na tinangay ng baha at humarang sa mga daluyan ng tubig.
Patuloy na isusulong ng lokal na pamahalaan na ganap na maipatupad ang nilalaman ng DMP bilang pangmatagalan at epektibong solusyon sa pagbaha sa lungsod, sa halip na flood control projects na hindi dumaan sa pagsusuri at pag-aaral ng lokal na pamahalaan.