
SINALAKAY ng pinagsamang operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office at Cavite Maritime Police Station ang hide-out ng apat na suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Talaba 3, Zone 6, City of Bacoor, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina alias Wilfredo, 62; alias Cindy, 45,; alias John, 46; at alias Ramoncito, 50.
Nasamsam ang humigit kumulang na 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php68,000.00, buy-bust money, at ibat ibang uri ng drug paraphernalia.
Sasampahan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na ngayon ay pansamantalang nakapiit sa PDEA Regional Office 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.