
NASAWI ang limang miyembro ng isang pamilya kabilang ang limang buwang gulang na sanggol makaraang mabagsakan ng puno ng buli ang kanilang tinitirhan habang binabayo ng Bagyong Ramil ang Barangay Cawayangin, Pitogo sa Quezon nitong Linggo ng umaga.
Tinukoy ng mga otoridad ang mga nasawing sina Alberto Anoche Bueno, 66 anyos, Jean Andrea Bueno Peña, 35, Alvin Del Mundo Peña, 35, Nazareth Eussef Bueno Peña, 11 anyos,at Noeh Isaiah Bueno Peña 5 buwang gulang na sanggol.
Sa inisyal na imbestigasyon ilang araw nan ang masunog ang puno ng buli sa hindi malamang dahilan.
Makalipas ang ilang araw nang humagupit si bagyong Ramil ay saka ito biglang bumagsak bandang alas-5:30 kung saan eksaktong nakatirik ang bahay ng mga biktima.
Rumesponde naman kaagad ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk and Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Pitogo upang magsagawa ng retrieval operation ngunit wala ng nakitang buhay pa sa naturang lugar.