Pansamantalang inilikas ang 52 pasahero mula sa port sa Lucena City dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Uwan.
Dinala ng mga awtoridad sa mga evacuation center ng Barangay Ilayang Iyam at West 1 Elementary School ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsiya .
Binigyan ng pagkain, tubig, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ang mga ito kasama ang iba pang inilikas na evacuees.
