PINATAWAN suspensiyon ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang 26 opisyal at kawani ng ahensya.
Sinabi ni Lumagui na ang 26 na ito ay kinasasangkutan ng mga kasong for grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, violation of reasonable office rules and regulations, violation of the Anti-Red Tape Act of 1997 and conduct prejudicial to the best interest of the service..
Ayon kay Lumagui, ang kanyang misyon ay magkaruon ng ahensiyang puno ng mga propesyonal na may integridad.
“The suspension of 26 BIR officials shows our commitment to the Filipino people. You deserve only the best in public service,” sabi nito.
“The BIR will continue to create a culture of professionalism and integrity under my watch,” dagdag pa ng BIR commissioner.
Naghain ng mga kaso ang BIR na may kaakibat na preventive suspension orders laban sa 21 kawani.
Sa kabuuang bilang ng mga kaso, 18 ang naipatupad na at tatlo ang nakatakdang ipatupad pa.
Nakapataw din ang BIR ng parusa sa limang kawani, na nagdadala ng kabuuang bilang ng suspended na 26 na kawani .
