NAGBABALA sa publiko ang Food and Drugs (FDA) laban sa mga pekeng
Biogesic at iba pang over-the-counter na gamot.
Sa abisong inilabas, sinabi ng FDA na ang mga gamot na may pekeng bersyon
bukod sa Biogesic (Paracetamol) ay Kremil-S (Aluminum Hydroxide + Magnesium
Hydroxide + Simeticone), Alaxan FR (Ibuprofen + Paracetamol), Medicol Advance
(Ibuprofen), Bioflu (Phenylephrine Hydrochloride + Chlorphenamine Maleate +
Paracetamol), at Tuseran Forte (Dextromethorphan Hydrobromide +
Phenylpropanolamine Hydrochloride + Paracetamol).
Nagpaalala ang FDA sa mga establisyemento at tindahan ng gamot na huwag
magbenta ng mga pekeng produkto dahil maaaring magdulot ng panganib o
pinsala sa kalusugan ng mga mamimili.
Pinaalala rin ng FDA sa mga mamimili na bumili lamang ng mga produkto ng
gamot mula sa mga establisyementong may lisensya mula sa FDA at suriing mabuti
ang produkto, kabilang ang numero ng batch, kapsula o tablet, pagkaing may
hugis na kurbada, at anyo ng pag-print.
Binalaan ng FDA na ang sinumang masusuri na nagbebenta ng mga pekeng
produkto ng gamot ay pagmumultahin para sa paglabag sa Republic Act No. 9711 o
ang Food and Drug Administration Act of 2009, at Republic Act No. 8203 o ang
Special Law on Counterfeit Drugs.
