NAG-AALOK ng pabuyang P500,000 piso sa sinomang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek na pumaslang sa may-ari ng Maranan resort sa Bauan , Batangas.
Handang magbigay si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan, na pangulo rin ng Vice Mayors League, ang magkakaloob ng gantimpalang P500,000 sa agarang makakahuli sa salarin sa sa pumatay kay Carmen Maranan, 72-anyos.
Matatandaang natagpuan ang biktima na duguan sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Gintuan, Barangay Durungao, bandang 7:30 ng umaga noong Hunyo 10.
Nakilala ang suspek na dating empleyado ng biktima matapos makuhaan ng CCTV footage makaraang lumabas ito sa crime .
Base sa imbestigasyon ng pulisya nakita sa crime scene ang isang basag na flower vase malapit sa ulo ng biktima na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa suspek.
Maging ang pera na kinikita ng biktima mula sa rental ng resort ay nawawala rin.
Sinabi rin ng mga testigo na may matagal nang alitan ang suspek sat ang biktima matapos siyang tanggalin sa trabaho dalawang buwan na ang nakakaraan.
Kaya naman naniniwala si Vice Mayor Ilagan na ang gantimpala ay makatutulong upang mapabilis ang pag-aresto sa suspek.
